^

Probinsiya

134 employers sa Kabikolan, kinastigo ng SSS

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kinastigo at tahasang tinawag na “magnanakaw” ni Social Security System (SSS) president and chief ope­rating officer (CEO) Rolando Macasaet ang may 134 employers sa Kabikolan pati na ang mga nahuli nila sa ibang rehiyon na hindi naghuhulog ng kontribusyon at hindi nagrerehistro ng kanilang mga empleyado sa SSS.

Ayon kay Macasaet na bisita kahapon sa ginawang SSS stakeholders forum sa lungsod na ito na dinaluhan ng aabot sa 300 na employers, employees at overseas Filipino workers (OFWs) mula sa iba’t ibang lugar sa Kabikolan, ang pagkokolek­ta ng kontribusyon mula sa kanilang mga empleyado at hindi paghuhulog ay isang uri ng “pagnanakaw”.

Sa pulong balitaan, hinikayat nito ang med­ya na i-expose ang mga kumpanya na hindi nagbabayad.

Sa datos na inilabas ni Elenita Samblero, vice-president for Bicol ng SSS sa ginawang malawakang inspeksyon kaugnay ng kanilang RACE o Run Against Contribution Evaders program ay nakakolekta sila mula sa delinkwenteng 134-employeers sa rehiyon ng aabot sa 4-milyong piso ngayong taon.

Ang RACE program ay regular na ginagawa upang habulin at papagbayarin ang mga hindi naghuhulog sa SSS habang pinalawak pa ng ahensya ang programa sa mga lokal na pamahalaan upang mai-rehistro ang mga hindi pa miyembro para sila man ay tumanggap ng mga benepisyo at lalong mapalakas na rin ang financial status ng tanggapan.

Inamin ni Samblero na sa Bicol ay patuloy pang iniaasa nila sa subsidiya ng ibang rehiyon ang pambayad sa kanilang mga pensioners.

Sa Kabikolan ay may 846,104 na miyembro habang nasa 50,988 na pensioners. Sa ratio umano ng SSS, sa bawat isang pensioner, ay apat na miyembro ang bumabalikat.

EMPLOYERS

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with