^

Probinsiya

Taga-Cainta wagi ng P12.7 milyon sa lotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taga-Cainta wagi ng P12.7 milyon sa lotto
Sa inilabas na advisory ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 27-23-17-41-15-29 ng Lotto 6/42 na may katumbas na jackpot prize na P12,725,157.60.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Phili­ppine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na solong naiuwi ng isang lotto bettor mula sa Rizal ang tumataginting na P12.7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola kamakalawa ng gabi.

Sa inilabas na advisory ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 27-23-17-41-15-29 ng Lotto 6/42 na may katumbas na jackpot prize na P12,725,157.60.

Ayon sa PCSO, nabili ng jackpot winner ang kanyang lucky ticket sa bayan ng Cainta.

Upang makubra naman ang kanyang premyo, pinayuhan ni PCSO General Manager Mel Robles ang lucky winner na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong IDs at kanyang winning ticket.

Nagpaalala rin si Robles na ang lahat ng prem­yong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Funds.

Ang lahat naman ng premyong lampas sa P10,000 ay papatawan ng 20% buwis, sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

vuukle comment

PHILI­PPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with