^

Probinsiya

Apektado sa flashfloods sa BARMM, pumalo na sa 600,000 katao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga apektado ng malawakang flashflood matapos na lumobo na ito sa 600,000 katao sa malaking bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dulot ng southwest monsoon rain o habagat, ayon sa ulat nitong Sabado. 

Base sa report ng BARMM Rapid Emergency Action on Disaster Incidence ( Bangsamoro READi), ang malawakang flashflood dulot ng malalakas na pag-ulan ay nakaapekto sa kabuang 135,000 pamilya o katumbas na 600,000 katao mula sa mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

 Ang malalakas na pag-ulan ay nagsimulang maranasan sa BARMM  nitong nakalipas na linggo dulot ng masamang lagay ng panahon.

 Isa naman sa pinakagrabeng tinamaan ng mga pagbaha ay ang Maguindanao del sur na noong panahon ng El Niño phenomenom ay isinailalim sa state of calamity.

Tinukoy sa ulat na nasa 8,000 hektarya ng lupaing taniman sa BARMM ay naapektuhan ng mga pagbaha na ikina­pinsala ng mga pananim ng mga magsasaka.

Nasa 76,000 namang pamilya ng mga naapektuhan ay mula sa Maguindanao del Sur na isinailalim sa state of calamity noong Hulyo 16 dulot ng matinding flashflood. Nasa 17 mula sa kabuuang 24 na bayan sa lalawigan ay lumubog sa baha.

Ang mga pagbaha sa Central Mindanao, ayon pa sa ulat ay hindi lamang sanhi ng mga pag-ulan sa rehiyon kundi nakadagdag pa dito ang pagbagsak ng tubig mula sa bulubundu­king bahagi ng Bukidnon na bumagsak at dumaloy rin mula sa Pulangi River.

Patuloy ang pamamahagi ng relief goods ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan ng mga pagbaha partikular na sa mga bakwit na nasa mga evacuation center.

FLASHFLOODS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with