^

Probinsiya

Rider na walang suot na helmet, nahulihan ng baril

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Rider na walang suot na helmet, nahulihan ng baril
Sa ulat ng pulisya, alas-4:30 ng madaling araw ay kasalukuyang nagsasagawa ng police visibility ang Cavite Police Community Precinct 6 ng Imus Component City Police Station sa Aguinaldo Highway/MCI Intersection, Brgy. Palico 4 nang masita ang suspek sakay ng motor na walang suot na helmet.
File

MANILA, Philippines — Isang rider na nasita dahil sa walang suot na helmet ang tulu­yang ­inaresto matapos na mahulihan na may dalang baril sa kahabaan ng Aguinaldo Highway/MCI Intersection, Brgy. Palico 4, Imus City, Ca­vite, kamakalawa.

Patung na patong na kaso ang kakaharapin ng rider na kinilala sa alyas na Ralph,nasa hustong gulang.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:30 ng madaling araw ay kasalukuyang nagsasagawa ng police visibility ang Cavite Police Community Precinct 6 ng Imus Component City Police Station sa Aguinaldo Highway/MCI Intersection, Brgy. Palico 4 nang masita ang suspek sakay ng motor na walang suot na helmet.

Sa halip na huminto ay pinaharurot nito ang minamanehong motor patakas dahilan upang habulin ito ng grupo at ng makorner ito ay napansin ng pulisya na may nakaipit sa bewang nito at ng tingnan ay isang caliber.357 Magnum Smith and Wesson na kargado ng bala ang nakasiksik.

Agad itong hinanapan ng mga dokumento ng nasabing baril,subalit wala itong maipakita ay inaresto ito.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with