^

Probinsiya

Mag-asawang NPA official na wanted sa Eastern Visayas, timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang NPA official na wanted sa Eastern Visayas, timbog
Kinilala ni Captain Jefferson Mariano, Spokesman ng Army’s 8th Infantry Division (ID) ang nasakoteng lider ng NPA na si Terence Eder alyas Ka Anjo/Islao; kilala rin bilang si “Terencio Eder”, residente ng Brgy. 88 San Jose, Tacloban City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng pamahalaan kasunod ng pagkakabitag sa isang high ranking na opisyal ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Eastern Visayas at misis nito na nasakote sa follow-up operations sa Baguio City, ayon sa opisyal ng military nitong Martes.

Kinilala ni Captain Jefferson Mariano, Spokesman ng Army’s 8th Infantry Division (ID) ang nasakoteng lider ng NPA na si Terence Eder alyas Ka Anjo/Islao; kilala rin bilang si “Terencio Eder”, residente ng Brgy. 88 San Jose, Tacloban City.

Ayon kay Mariano si Eder ay nasakote kamakailan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte matapos matunton ang pinagtataguan nito sa isinagawang operasyon sa Brgy. Guisad sa lungsod ng Baguio.

Si Eder ay dating Secretary ng Sub-Regional Committee (SRC) Emporium ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).  

Arestado rin sa operasyon ang misis nito na si Annalyn Eder alyas “Ka Anya /Ninya”; kilala rin bilang si “Analyn Eder”; 42-anyos, residente ng Brgy. 88 San Jose, Tacloban City , Leyte.

Si Analyn ay dating Education Officer and Finance Officer ng SRC Emporium, EVRPC.

Ang mag-asawang Eder ay may standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 4 ng Republic Act 11479 ang Anti-Terrorism Act of 2020 at kasong arson.

Inihayag naman ni Major General Camilo Ligayo, commander ng 8th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, ang pagkakasakote sa mag-asawang Eder ay isang malaking dagok sa hanay ng NPA rebels.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with