^

Probinsiya

Tanod may banta sa buhay, itinumba sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tanod may banta sa buhay, itinumba sa Rizal
Naisugod pa sa Antipolo City District Hospital ang biktimang si Jomel Aguanta ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor dahil sa mga tama ng bala.
STAR/ File

Matapos magsagawa ng clearing op

MANILA, Philippines — Hindi na nagising ang isang barangay tanod, na dati na umanong nakatanggap ng death threat, nang barilin ng di kilalang salarin habang natutulog sa loob ng kanilang Barangay Mobile Patrol matapos na magsagawa ng clearing operation sa Antipolo City kamakalawa.

Naisugod pa sa Antipolo City District Hospital ang biktimang si Jomel Aguanta ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor dahil sa mga tama ng bala.

Samantala, nakatakas naman at tinutugis na ng mga awtoridad ang di kilalang salarin, na inilarawang maitim, may kaliitan, nakasuot ng itim na jacket, at may dalang itim na sling bag.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tapat ng isang kilalang bakeshop sa Brgy. Sta. Cruz, sa Antipolo City.

Bago ang krimen,  nagsagawa pa umano ang biktima at mga kasamahang barangay tanod ng Brgy. Sta. Cruz ng isang clearing operation sa Olalia Road, Brgy. Sta. Cruz dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Dahil puyat at pagod, matapos ang operasyon ay nagpasya umano ang biktima na magpahinga sa loob ng kanilang Barangay Mobile Patrol.

Sinamantala naman ng suspek ang pagkakataon at nang mahimbing ang biktima ay kaagad itong nilapitan at saka malapitang binaril, bago naglakad lamang na tumakas.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, natukoy na dalawang linggo na ang nakakaraan ay nakatanggap umano ng death threat ang biktima at inireport niya ito sa Brgy. Sta. Cruz.

Hindi pa batid ng pulisya kung sino ang nagbanta sa biktima habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa kaso.

ANTIPOLO CITY DISTRICT HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with