^

Probinsiya

129 atleta sa Palarong Pambansa, naospital

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng direktor ng Cebu City Medical Center na umaabot na sa 129 student-athletes ang naisugod sa pagamutan, simula nang mag-umpisa ang idinaraos na Palarong Pambansa sa Cebu City.

Gayunman, nilinaw ni Dr. Peter Mancao na sa naturang bilang, 23 lamang ang kinailangang i-admit sa ospital. Karamihan aniya sa mga atleta ay dinapuan ng lagnat at nasa 12 naman ang hinihinalang nagka-dengue.

Naniniwala naman si Mancao na nakuha ng mga atleta ang sakit bago pa man sila nagtungo sa Cebu.

Hanggang nitong Biyernes naman aniya ay kalahati na sa mga pas­yente ang nakalabas na ng ospital habang nagpapagaling ang iba pa. Mayroon ding na-admit sa pagamutan dahil sa injuries ngunit maayos naman umano ang mga ito.

Ilan pa sa naging sakit ng mga atleta ay gastrointestinal problems, pneumonia at tonsillitis. Isa naman ang nagka-food poisoning ngunit hindi sa kanilang billeting.

Ang Cebu City Medical Center ay nagtayo ng “Palaro Ward” na fast lane para sa mga atleta at delegado ng Palarong Pambansa.

vuukle comment

CEBU

PALARONG PAMBANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with