P4 milyong shabu samsam sa notoryus na tulak
SAN ANTONIO, Quezon, Philippines – Aabot sa P4-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang notoryus na tulak makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Barangay Arawan ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PMajor Hubert Jabrica, chief of police sa nasabing bayan, ang nadakip na si alyas “Jherome”, 25, residente ng Barangay Pury, San Antonio, Quezon at kabilang sa talaan ng mga High Value Individuals (HIVs).
Isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-7:00 ng gabi at nakuha sa kanyang pag-iingat ang apat na malalaking plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 200 gramo na nagkakahalagan ng P4,000,000.
Nakapikit na sa municipal jail ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
- Latest