^

Probinsiya

Van may kargang Oishi products tinangay, empleyado tiklo sa CCTV

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Natukoy sa pamamagitan ng nakakabit na GPS sa sasakyan ang kinaroroonan ng isang delivery van na tinangay habang ito ay naka- park sa loob mismo ng kanilang kompanya at naglalaman ng mga Oishi Products, kamakalawa sa Imus City.

Lumabas sa pag-iimbestiga ng pulisya at sa kuha sa CCTV camera, nadiskubre na ang isa sa mga suspek ay mismong empleyado kasama ang dalawa pang kasabwat.

Batay sa ulat ng pulisya, alas-3:30 ng madaling araw nang tangayin ng tatlong suspek ang Isuzu Rebuilt Aluminum Closed Van na may plate  number NAW7676 at nakarehistro sa isang Leana Mizpah De Leon. Naglalaman ito ng mga Oishi products na aabot sa halagang P123,000 na nakatakda sanang ideliver sa kanilang mga sinusuplayan sa Cavite.

Alas-9 na ng umaga nang madis­kubre ang pagkawala ng nasabing sasakyan at nang suriin ng may-ari ng kompanya ang kanilang CCTV, dito nakita na isa sa kanilang empleyado ang kumuha ng nasabing sasakyan kasama ang 2 suspek na kasabwat nito.

Agad na nag-report sa pulisya ang biktima at sa follow-up operation sa Brgy. Maduya, Carmona, Cavite ay naaresto ang tatlong suspek na sina alyas “Jomar”,  30-anyos, truck driver ng kompanya, residente ng Brgy. H2, Dasmariñas City, Cavite, at stay-in sa may Liwayway Homes, Brgy. Anabu 1-C, Imus City; alyas “Teoderick”, 41, ng  Brgy. Alapan 1-C, Imus City at alyas “Gonel”, 31-anyos ng Brgy. Salinas, Rosario, Cavite.

Narekober sa mga suspek ang isang Mitsukoshi Marvel 125 motorcycle (D421AX), helmet, jacket at P20,000 cash na pinagbentahan ng mga produktong laman ng van.

vuukle comment

ARRESTED

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with