^

Probinsiya

22 batang may cleft palate, libreng naoperahan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
22 batang may cleft palate, libreng naoperahan
Pinangunahan ni Dr. Mel Anthony Cruz, plastic surgeon ng Philippine Band of Mercy (PBM) ang pagsasagawa ng operasyon para sa mga batang may cleft lip at cleft palates sa operating room ng Nueva Vizcaya Provincial Hospital sa Bambang kahapon sa pag-organisa ng Rotary Club of Bayombong Capital at ng Lumabang Shriners.
Victor Martin

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Umabot sa 22 na bata ang nakatanggap ng libreng operasyon para sa cleft lip at cleft pala­tes na isinagawa sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital  (NVPH) sa bayan ng Bambang sa lalawigang ito kahapon.

Ang nasabing operas­yon ay pinangunahan ng mga dalubhasang doktor mula sa Philippine Band of Mercy (PBM) na nakabase sa Metro Manila sa pag-organisa ng Rotary Club of Bayombong Capital (RCBC) at ang Lumabang Shriners na nakabase sa lalawigang ito.

Ayon kay Gerald Gamboa, pangulo ng RCBC, unang nasagawa ng resgitration at screening sa mga pasyente simula noong May 8 hanggang June 13 sa out-patient department ng NVPH bago ang kanilang final screening kamakalawa.

Sinabi ni Gamboa na tatlo sa 22 na pasyente ay mga sanggol na nasa 3, 5 at 7- buwang gulang pa lamang na mula pa malalayong lugar sa karatig lalawigan ng Apayao, Isabela at Ifugao.

Isang 30-anyos na lalaki naman ang pinakamatanda sa mga naoperahan.

“Our goal is to help and bring joy to the children with cleft deformities, especially those who are from underprivileged families,” pahayag ni Gamboa.

Pinasalamatan ni Gamboa ang mga medi­cal team ng PBM sa pangunguna ni Dr. Mel Anthony Cruz, Plastic Surgeon, kabilang sa ang mga personnel ng NVPH sa pagkakataon para matulungan ang mga batang may kapansanan kabilang ang kanilang pamilya.

vuukle comment

HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with