^

Probinsiya

2 patay, 2 pa sugatan sa Cavite road crash

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa ang Patay habang dalawa pa ang sugatan sa naganap na salpukan ng mga motorsiklo sa kahabaan ng Antero Soriano Highway, Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite, kamakalawa.

Patay ang biker na kinilalang si Ruel Monsales, nasa hustong gulang at ang isang backrider ng isang motorsiklo na kasama sa aksidente na kinilala sa alyas na Jay, nasa hustong gulang .

Sugatan at kapwa ­inoobserbahan naman sa pagamutan ang dalawa pang biktima na sina Vincynth Kant Hallera, driver ng kulay green na Kawasaki Ninja motorcycle, na walang plaka at Edgardo Piedad, nasa hustong gulang driver naman ng itim na Yamaha Mio 125 MC may plate number na E3R2E-1017694.

Sa ulat ng pulisya, alas-6-19 ng umaga nang maganap ang aksidente habang binabagtas ng biker ang nasabing lugar at papatawid umano ito sa nasabing kalsada nang salpukin ng paparating na Kawasaki Ninja na minamaneho ni Hallera.

Masyado umanong mabilis ang patakbo ng motorsiklo kung kaya hindi na naiwasan ang tumatawid na nagbibisikleta. Pagkasalpok nito sa biktima ay sumemplang din ang motorsiklo at sumadsad sa kalsada dahilan upang tumilapon ang backrider nito na si alyas “Jay”.

Tuluy-tuloy ang motorsiklo at sumalpok muli sa paparating na Mio na minamaneho ni Piedad.

Sa pagresponde ng Naic MDDRMC na pinangunahan ni Team leader Apolinar Hierco, naitakbo ang mga biktima sa pagamutan su­balit dalawa sa kanila ang hindi na umabot pang buhay.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with