^

Probinsiya

Lalaki nagtangkang manloob sa kantina, todas sa sekyu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabaril at napatay ng isang guwardiya ang isang lalaking umano’y pumasok at nagtangkang manloob sa kanyang binabantayang kantina sa Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek habang nasa kustodya na ng mga awtoridad ang guwardiya na kinilala lang sa alyas na “Joey”.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Antipolo City Police na alas-4:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng Lutong Bahay Canteen, sa XRC Buil­ding, East Kamias, Brgy. Sta. Cruz, sa Antipolo City.

Pinasok umano ng lalaki ang kantina at naaktuhan naman siya ng guwardiya kaya kaagad na inutusan upang lumabas.

Sa halip na lumabas, tinangka pa umano ng lalaki na manlaban at sugurin ang guwardiya kaya dito na niya pinaputukan ng kanyang .9mm service firearm.

Nagtamo ng tama ng bala sa panga ang lalaki at agad na isinugod sa Antipolo District Hospital ng mga rumespondeng miyembro ng Sta. Cruz Rescue ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Inaresto naman ang guwardya at dinala ng mga tauhan ng Police Community Precinct 2 (PCP-2) ng Antipolo Component City Police Station, sa presinto upang maimbestigahan at masampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with