^

Probinsiya

4,000 trabaho, naghihintay sa May 1 sa Cagayan Valley

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines —Tinatayang mahigit sa 4,000 na trabaho ang naghihintay para sa malawakang job fair sa buong Cagayan Valley (Region 2) sa pangu­nguna ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa abiso ng DOLE-Cagayan Valley, ang mga naghahanap ng trabaho ay maaaring magtungo sa limang lugar sa apat na lalawigan sa rehiyon kung saan man sila malapit.

Tinukoy ang SM City sa Tuguegarao City para sa mga naghahanap ng trabaho sa lalawigan ng Cagayan; Community Center sa Ilagan City at Robinson’s place naman sa Santiago City ang maa­ring puntahan ng mga  job seekers mula sa lalawigan ng Isabela.

Para sa lalawigan ng Quirino, inilaan ng DOLE ang Provincial Gymnasium sa bayan ng Cabaroguis habang ang mga taga-Nueva Vizcaya ay inabisuhan na magtungo sa Ammungan Hall na nasa loob ng Provincial Capitol.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 155 na kumpanya ang nakipag-ugnayan sa DOLE para maghanap ng kanilang mga empleyado kabilang na ang Cagayan Economic Zone (CEZA) na nakabase sa Sta Ana, Cagayan.

Ilan sa mga trabaho na maaaring pasukan ay ang service crew, staff nurse, Pharmacist, Radiologic Technologist, System Administrator, housekeeping, IT specialist, building plumber, kitchen staff, technician, security officer at marami pang iba.

Nitong April 12 ay nag-umpisa na ang online registration para mapadali ang pag-aaplay at pagproseso ng mga kumpanya sa pagdating ng Labor Day.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with