^

Probinsiya

Lider ng Blaan tribe, abswelto sa Ombudsman

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Lider ng Blaan tribe, abswelto sa Ombudsman
Office of the Ombudsman
Philippines / Facebook page

KORONADAL CITY, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, naging masaya ang tribong Blaan at T’boli sa South Cotabato sa pagpapawalang sala ng Ombudsman sa isang popular na tribal leader sa probinsya sa mga paratang na katiwalian ng ilang nais siyang mapalitan ng mga gustong maging kinatawan sa municipal council ng kanilang bayan.

Sa ulat ng iba’t ibang himpilan ng radyo sa Central Mindanao nitong Lunes, inilabas nitong Pebrero 26, 2024 ng Ombudsman ang desisyong walang katotohanan ang mga akusasyong “corruption” na inihain laban kay Domingo Collado ng ilang Blaan officers na may kanya-kanyang interes na pumalit sa kanya bilang Indigenous Peoples Mandatory Representative sa Sangguniang Bayan ng Tampakan sa South Cotabato.

May mga kanya-kanyang nais na ipalit kay Collado sa pagiging appointed na IPMR ang mga naghain ng kung anu-anong rek­lamong katiwalian kaugnay diumano ng kanyang paghawak ng P77,541 lang na halaga ng pondo para sa 2019 Indigenous Communities Festival sa kanilang bayan, na ibinasura  ng Ombudsman sa pamamagitan ng resolution ni Graft Investigation and Prosecution Officer Jay Visto, ng mapatuna­yang walang katotohanan ang akusasyon at lahat ay gawa-gawa lamang.

Nagpahayag ng kagalakan ang mga Blaan at T’boli tribal leaders sa South Cotabato at sa mga bayan sa probinsya ng Sultan Kudarat at Sarangani, kabilang sa kanila si T’boli chieftain Edmund Ugal at at ilang Teduray timuay sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, sa pagpapawalang sala ng Ombudsman kay Collado. 

vuukle comment

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with