^

Probinsiya

Nanay pinatay ng anak na may ‘problema’ sa isip

Ed Amoroso, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Nanay pinatay ng anak na may �problema� sa isip
Dito sa sopa na ito nang atakihin ng taga ng isang anak na lalaki ang kanyang ina habang ito ay natutulog. Namatay ang ina sa dami ng taga na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ed Amoroso

MANILA, Philippines — Isang 74-anyos na ina ang pinagtataga ng anak na lalaki habang mahimbing na natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Aya, Talisay, Batangas, nitong Martes ng hatinggabi.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na si Maria Rizaldo, 74, dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasugatan din ang mga biktima na sina Genalyn Castillo at ang dalawang anak nito na isang 15-anyos na lalaki at isang 13-anyos na babae.

Agad ding naaresto sa follow-up operation ang suspek na si Oliver Rizaldo, 40, kinaumagahan sa pinagtataguan nito sa Brgy. Kiling.

Ayon sa ulat ni P/Major Billy John Mactal, hepe ng Talisay police, alas-11:30 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang biktima sa sofa ng kanilang bahay nang bigla nalang pagtatagain ng suspek.

Matapos ang pag-atake sa ina, pinuntahan naman nito ang katabing bahay ng kanyang babaeng pinsan na si Genalyn at pinagtataga rin pati ang dalawang anak nito.

Sa isinagawang imbestigasyon, wala umanong maibigay na dahilan ang suspek kung bakit nIya nagawa ang krimen at nabatid na may iskedyul ito na ipa­suri sa doktor para sa mental condition.Nahaharap ang suspek sa Parricide at Multiple Frustrated murder ang suspek.

vuukle comment

BATANGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with