Putol na kamay, paa muling natagpuan sa CALAX
CAVITE, Philippines — Ginawa nang tapunan ng chop-chop na tao ang kahabaan ng CALAX (Cavite-Laguna Expressway) sa Brgy. Tibig, Silang, Cavite matapos makatagpong muli ng putol na kamay at paa ng isang tao, ayon sa pulisya kahapon.
Nabatid na alas-11:50 ng gabi kamakalawa nang muli na namang makarekober ang pulisya ng putol na braso na may kasamang kamay at isang paa.
Kapwa naaagnas na ang mga natagpuang parte ng katawan ng tao sa may water ways ng CALAX.
Matatandaan na una nang natagpuan sa nasabi ring lugar ang torso ng isang lalaki at nasundan sa pagkakadiskubre ng mga putol na hita, ulo at panghuli ay ang paa at braso.
Inaalam pa ng pulisya kung iisa lamang na tao ang mga natagpuang putul-putol na bahagi ng katawan ng tao.
- Latest





















