^

Probinsiya

Dump truck bumaliktad: 3 sakay, patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Tatlo ang agad na nasawi habang tatlong iba pa ang malubha sanhi ng pagbaliktad ng kanilang sinasakyang dump truck sa isang liblib na barangay sa bayan ng New Bataan sa Davao de Oro nitong hapon ng Martes.

Sa ulat nitong Miyerkules ng New Bataan Municipal Police Station, nagulungan ng dump truck ang mga sakay nitong mga namatay na sina Marjin Alagon, Peo Mesiona at Samuel Painandos nang ito ay mawalan ng preno, bumaliktad at gumulong ng ilang beses.

Nadiskarel ang dump truck habang pinipilit ng driver nitong itabi sana nang mahalatang wala na itong preno.

Kabilang ang driver nito sa tatlong mga nasaktan sa aksidente na naisugod naman ng mga emergency responders ng New Bataan local government sa isang hospital.

Nangako ang New Bataan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng ayuda para sa mga na-ospital na mga sakay ng dump truck ganun din sa mga pamilya ng tatlong nasawi sa naturang aksidente.

vuukle comment

DAVAO DE ORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with