^

Probinsiya

3 lalaki hinatulang guilty sa pagpatay sa aso para ipulutan

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon
3 lalaki hinatulang guilty sa pagpatay sa aso para ipulutan
Image shows stray dogs.
Image by Igor Ovsyannykov from Pixabay

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na pumatay ng aso para kanilang ipulutan ang nahatulang guilty ng korte dito sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Mayor Camelo Lazatin Jr., hinatulan ng guilty ng Angeles City Municipal Trial Court Branch 3 ang tatlong akusado na kinilalang sina Amorsolo David Guevarra, Renato Halili at Jerry Locading Mari sa paglabag sa Republic Act 8485, o kilala sa  Animal Welfare Act of 1998.Pinagmulta ng P6,000 bawat isa ang tatlo.

Batay sa record na nakatanggap ang City Veterinary Office ng sumbong na may naganap na pagpatay sa aso sa Barangay Lourdes Sur noong Pebrero 4, 2023.

Agad na nagdeploy ang nasabing opisina sa lugar na pinamumunuan ni Eder Pasamonte at dito ay nakita sa akto ang tatlong suspek na niluluto ang aso upang kanilang gawing pulutan.

Si Mayor Lazatin ang nag-utos na sampahan ng kaso ang tatlong suspek at kauna–unahan din na nangyari sa local government na nanalo sa pagsampa ng kaso laban sa mga pumapatay ng hayop.

ANIMAL WELFARE ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with