^

Probinsiya

28K taga-Sultan Kudarat inayudahan, Romualdez binansagang ‘Mr. Rice’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit 28,000 residente ng Sultan Kudarat ang nabigyan ng kabuuang 500,000 kilo ng bigas bukod pa sa cash assistance at food packs sa ilalim ng Cash and Rice Distribution Program (CARD), isang programa ng Marcos administration.

Ang paglulungsad ng CARD program at Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay magkasabay na isinagawa sa Sultan Kudarat noong Linggo.

Ang CARD ay isang joint project ng Kamara de Representantes na pinamumunuan ni ­Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay binuo bilang tugon sa hamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kamara na magbigay ng rice assistance sa mga mahihirap na Pilipino.

“Sa pamamagitan nito at iba pang programang pinatutupad ng pamahalaan, ipinaaabot ng ­ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kanyang malasakit sa mga kapwa niya Pilipino dito sa Mindanao – na kahit malayo man kayo, ay malapit pa rin po kayo sa kanyang puso at isipan,” ani Romualdez sa pagbubukas ng programa sa Sultan Kudarat State University sa Tacurong City.

“Sa ilalim ng Bagong Pilipinas movement, wala pong maiiwan, lahat kasama sa pag-unlad,” dagdag pa House Speaker.

Nagpasalamat naman si Sultan Kudarat Gov. Pax Mangudadatu kay Romualdez sa serbisyo caravan at sa rice distribution programs sa kanyang probinsya. Aniya, suportado ng Sultan Kudarat ang Bagong Pilipinas at ang pagnanais ni Pangulong Marcos na maging mapayapa at maunlad ang buong Pilipinas.

“Ito na po ang pinakamalaking distribution ng bigas sa kasaysayan ng aming probinsya, kaya kung mamarapatin po ninyo maliban sa Mr. Speaker, nais ko kayong tawaging Mr. Rice,” sabi ni Mangudadatu.

Nasa 18,000 indibiduwal sa probinsya ang nakatanggap ng bigas at cash aid mula sa CARD. Ang bawat benepisyaryo na tinukoy ng DSWD ay bibigyan ng P1,000 cash at 25-kilong bigas na nagkakahalaga ng P1,000 o kabuuang P2,000.

Samantala, pina­ngunahan ni Romualdez, kasama sina Gov. Mangu­dadatu, Rep. Princes Rihan Sakaluran at iba pang mambabatas ang pagbubukas ng Romualdez building ng Sultan Kudarat State University kung saan ilalagay ang medical school ng unibersidad.

CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with