^

Probinsiya

Iligal na troso, nasabat sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawampung iligal na troso ang nasabat sa Brgy. Bonga Menor, Bustos, Bulacan ng monitoring team ng Philippine National Police (PNP) kamakailan, ayon sa ulat ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO).

Ayon sa BENRO, ang naharang na Elf truck na iniulat na walang cutting at transport permit ay lumabag sa Section 68 ng Presidential Decree No. 705 Series of 1975, o mas kilala bilang Revised Forestry Code of the Philippines.

Bagama’t hindi nahaharap sa anumang kaso ang drayber ng trak, ang Elf truck na naglalaman ng mga kinumpiskang iligal na kahoy ay inilagak sa pamahalaang barangay ng Bonga Menor.

Bunsod nito, pinaalalahanan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang mga Bulakenyo na bawat indibidwal ay may gampanin na pangalagaan ang mga likas na yaman.

“Lahat tayo ay may gampanin at may pananagutan sa ating likas na yaman kung kaya’t magtulungan po tayo upang mas mapaigting natin ang pagprotekta sa ating kalikasan,” ani Fernando.

Gayundin, hinikayat ng pinuno ng BENRO na si Abgd. Julius Victor Degala ang mga Bulakenyo na iulat ang anumang iligal na gawain na sumasalungat sa kampanya na pangalagaan at ipreserba ang kalikasan at likas na yaman.

BENRO

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with