^

Probinsiya

Lasenggong mister, patay sa saksak ni misis

Pilipino Star Ngayon
Lasenggong mister, patay sa saksak ni misis
Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima na nakilalang si Allan Buan, 39-anyos habang naaresto agad ng awtoridad ang misis na itinago sa pangalang “Michelle”.
File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister makaraang saksakin sa leeg ng kaniyang sari­ling misis na napuno na dahil sa pagiging lasenggo ng una, sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. 7, Lipa City, Batangas.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima na nakilalang si Allan Buan, 39-anyos habang naaresto agad ng awtoridad ang misis na itinago sa pangalang “Michelle”.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng gabi nang umuwing lasing ang mister na ikinagalit ng misis nito.

Dahil dito, nauwi ito sa kanilang mainitang pagtatalo kung saan napikon umano ang mister sa kakatalak ng misis kung kaya kumuha siya ng patalim at inundayan nito ng saksak ang misis na nagtamo ng saksak sa kamay.

Dahil dito, itinulak ng misis ang kaniyang mister hanggang sa mahulog ito sa hagdan. Sinundan pa ito ni misis at dinampot ang kutsilyo saka itinarak sa leeg ng mister.

Hindi na nagawang madala sa pagamutan ang mister na agad namatay sa tinamong saksak sa leeg.

Nabatid na sa tuwing malalasing ang biktima ay nauuwi ito sa away ng mag-asawa at hanggang nitong huli ay labis nang ikinapikon ni misis kaya naganap ang malagim na krimen.

PATAY

SAKSAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with