^

Probinsiya

Motor umiwas sa aso: Lolong angkas, patay!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Dahil sa pag-iwas sa isang tumatawid na aso sa highway, sumemplang ang isang motorsiklo na nagresulta sa pagkamatay ng isang lolong angkas at pagkasugat ng rider kamakalawa ng gabi sa Barangay Isabang sa lungsod na ito.

Dahil sa walang suot na helmet, nabasag ang bungo at nalagutan ng hininga noon din ang biktimang ipinatago sa pangalang Lolo Elias, 60, residente ng Hermana Fausta Village sa nasabing barangay.

Ginagamot naman sa Lucena United Doctors Hospital (LUDH) ang rider na si alyas John, 29.

Ayon sa ulat ng Lucena Police, bandang alas-9:15 ng gabi, tinatahak ng mga biktima na sakay ng Yamaha Mio Soul ang nasabing kalye nang biglang tumawid ang isang aso.

Dahil sa pag-iwas ni John ay nawalan siya ng kontrol sa manibela at sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo at bumagok ang ulo ng matanda sa sementadong kalye na kanyang agarang ikinamatay.

vuukle comment

ELIAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with