^

Probinsiya

Mga Cebuanong biktima ng bagyong Odette binigyan ng P67.45 milyong ayuda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namahagi ng P67.45 milyon o tig-P10,000 ayuda ang bawat isa sa 6,745 pamilyang biktima ng super typhoon Odette na naminsala sa lalawigan ng Cebu sa ginanap na simpleng seremonya sa lungsod kamakailan.

Pinangunahan ni National Housing Authority (NHA) Cebu District Office Officer-in-Charge Engineer Dante Estrobo na kumatawan kay NHA General Mana­ger Joeben Tai ang pamamahagi ng ayuda.

Ayon kay Estrobo, ang P10,000 ayuda sa bawat isang miyembro ng pamilyang naapektuhan mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA upang makatulong sa pagpapaayos ng kanilang mga tahanan mula sa pinsala ni supertyphoon Odette.

Ang pamamahagi ng ayudang cash ay nagsimula noong ika-18 hanggang ika-21 ng Disyembre 2023 at magpapatuloy sa ika-27 at ika-28 ng Disyembre 2023.

Kabilang naman sa mga nabahagian ng tulong ay ang mga pamilya mula sa 17 na Barangay ng Mandaue City, Cebu. Ang mga ito ay ang Brgy. Alang-Alang, Basak, Cabancalan, Canduman, Casili, Casuntingan, Centro, Cubacub, Guizo, Ibabao, Jagobiao, Maguikay, Mantuyong, Pagsabungan, Tabok, Tawason, at Tingub.

Matatandaan na hinagupit ni supertyphoon Odette ang ilang bahagi ng bansa partikular na sa Central Visayas noong Disyembre 16, 2021 kung saan isa sa pinakamatinding nagtamo ng pinsala ang lalawigan ng Cebu. Nasa 31,607 na pamilya ang lubhang naapektuhan matapos makawasak ng 404,653 na kabahayan at makapinsala ng dagdag pang 1,704,205 na tahanan.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with