^

Probinsiya

3 cargo trucks nagsalpukan: 3 patay!

Pilipino Star Ngayon
3 cargo trucks nagsalpukan: 3 patay!
Sa ulat ng Davao City Police Office kahapon, naganap ang aksidente sa isang bahagi ng highway sa Sitio Pamuhatan sa Marilog na nagsanhi ng pagkamatay ni Virgilio Pajo, Jr., ang isang kamag-anak na nakisakay sa kanyang minamanehong truck na si Jovelyn Pajo, at si isa pang driver, si Onez Julius Badal.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang driver at isang hitchhiker sa karambola ng tatlong cargo trucks sa Marilog District sa Davao City nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ng Davao City Police Office kahapon, naganap ang aksidente sa isang bahagi ng highway sa Sitio Pamuhatan sa Marilog na nagsanhi ng pagkamatay ni Virgilio Pajo, Jr., ang isang kamag-anak na nakisakay sa kanyang minamanehong truck na si Jovelyn Pajo, at si isa pang driver, si Onez Julius Badal.

Si Badal ay driver ng isa sa tatlong truck na sangkot sa aksidente.

Nawalan diumano ng kontrol si Badal sa manibela ng kanyang minamanehong truck dahil sa mechanical trouble kaya nagawi ito sa kabilang linya ng highway at nakasalubong ang truck na minamaneho ni Pajo at isa pang truck na nakabuntot dito.

Sa tindi ng salpukan, patay ang tatlong nabanggit na biktima habang sugatan ang helper ni Pajo na agad namang naisugod sa isang ospital ng mga emergency res­ponders ng Davao City local government.

vuukle comment

JOVELYN PAJO

MARILOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with