^

Probinsiya

Matapos ang BSKE, Bacoor mas aasenso at magkakaisa - Mayor Strike

Pilipino Star Ngayon
Matapos ang BSKE, Bacoor mas aasenso at magkakaisa - Mayor Strike
Si Bacoor City Mayor Strike B. Revilla at mga bagong luklok na Punong Barangay sa kanilang isinagawang pulong sa city hall nitong Miyerkules sa Cavite.

MANILA, Philippines — Pinulong ni Bacoor City Mayor Strike Revilla ang mga nagwagi na Punong Barangay sa Bacoor, Cavite nitong Miyerkules, upang magbigay payo para sa maayos na pagseserbisyo sa kanilang mga constituents.

“Ngayong tapos na po ang barangay election, panahon naman na tuparin natin ang ating mga magagandang nais na mangyari sa mga barangay sa ating lungsod. Suklian niyo po ang inyong mga nasasakupan tapat na serbisyo na kanilang tiyak na inaasahan,” paumpisang pahayag ng alkalde ng Bacoor City na 24/7 kung magserbisyo sa nasasakupan.

Naging mapayapa ang barangay eleksyon kamakailan sa lungsod ng Bacoor dahil na rin sa paghimok ni Mayor Strike sa mga tumakbo na incumbent at bagong naghangad makaupo para sa barangay level positions.

“Sa pagkakaisa natin, sigurado po ako na mas uunlad at aasenso ang Bacoor City. At ang makikinabang nito ay walang iba kung hindi ang ating mga mahal na Bacooreños. Mahal natin sila at serbisyuhan ng tapat at taos-puso,” mahigpit na bilin ni Revilla sa mga bagong Punong Barangay.

vuukle comment

CAVITE

BACOOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with