3 katao tinamaan P81.03-M lotto jackpot; mga nanalo puro taga-Malolos, Bulacan
MANILA, Philippines — Paghahatian ng "tatlong magkakaibang tao" ang milyung-milyong jackpot prize ng Megalotto 6/45 matapos itong mapalanunan nitong Lunes — at ang mga nagwagi, pare-parehong nanggaling sa Lungsod ng Malolos.
Ito ang pahayag ng Philippine Charity Sweeptstakes Office (PCSO) matapos tamaan ng mga nabanggit na mananaya ang sumusunod na winning combinations: 34-41-11-01-10-07.
"Three (3) Winning Tickets were bought in McArhur Highway, Malolo, Bulacan," banggit ng PCSO kanina.
Samantala, wala namang pinalad makakuha ng P29.7 milyong jackpot kahapon kaugnay ng Grand Lotto 6/55, bagay na binola rin kahapon.
Bagama't P81,039,037.20 ang jackpot prize, hindi nangangahulugang mag-uuwi ng tig-P27.01 milyong ang kada nanalo. Dahil ito sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
"Prizes above Php10,000 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN law," paliwanag ng PCSO.
"All winnings should be claimed within one year from the date of the draw otherwise the same would be forfeited to form part of the Charity Fund."
Pebrero 2023 lang nang iuwi ng dalawang taga-San Pablo, Laguna ang P11.63 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45. Pareho raw kasi ang mga numerong tinayaan ng mga nabanggit, na pawang mag-ama. — James Relativo
- Latest