^

Probinsiya

Konsehal sa Bohol, itinumba ng tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Konsehal sa Bohol, itinumba ng tandem
Ayon sa Bohol Pro­vincial Police Office (BPPO), kinilala ang biktima na si Danilo Hayag Añora, isang kon­sehal at naninirahan sa Brgy. Dait Norte sa Buenavista.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Isang municipal councilor sa Buenavista, Bohol ang nasawi nang pagbaba­ri­lin sa naganap na am­bush, kahapon ng umaga.

Ayon sa Bohol Pro­vincial Police Office (BPPO), kinilala ang biktima na si Danilo Hayag Añora, isang kon­sehal at naninirahan sa Brgy. Dait Norte sa Buenavista.

Lumabas sa imbestigasyon na pauwi na ng bahay si Añora sakay ng motorsiklo mula sa sabungan sa Buenavista bandang 12:30 ng madaling araw nang barilin ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.

Dinala sa Francisco Dagohoy Municipal Hospital ang biktima kung saan idinekla­rang dead on arrival.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang Buenavista police sa ikadarakip ng mga suspek.

Ayon sa BPPO, ang Dait Norte, Buenavista ay isang election area of concern. Posibleng politika ang motibo ng pagpaslang sa konsehal.

vuukle comment

BPPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with