^

Probinsiya

Hamunang boksing ng solon vs mayor, napurnada!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Hamunang boksing ng solon vs mayor, napurnada!
Hataw sa pag-eensayo si Congressman LRay Villafuerte (kaliwa) matapos nitong hamunin ng boxing si Mayor Fermin Mabulo sa JMR Coliseum habang nagkalat ang tarpaulin ng dalawa sa national highway sa Brgy. Pamukid, San Fernando, Camarines Sur para sa kanilang itinakdang suntukan na bandang huli ay hindi sinipot ng kongresista nitong Sabado ng hapon.
FB/Asintado sa Rady

Nagdatingang manonood, namuti ang mata

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Napurnada ang inaabangan ng mga mamamayang boksing nina Rep. Cong. Luis Raymund “LRay” Villafuerte ng 2nd District ng Camarines Sur at Mayor Fermin Mabulo ng bayan ng San Fernando matapos na hindi sumipot ang naghamong kongresista sa itinakdang laban nila ng alkalde noong Sabado ng hapon sa Jessie M. Robredo (JMR) Coliseum sa Naga City.

Alas-3 ng hapon ay kumpiyansang dumating sa JMR Coliseum si Mayor Mabulo, kasama ang ilang supporters nito at handa nang makipagsuntukan at umbagan pero hindi dumating si Cong. Villafuerte at “namuti” ang mata ng mga tao sa kahihintay.

Ilang araw bago ang napagkasunduang laban ng dalawa ay nagpara­ting ng impormasyon ang kongresista na hindi siya makakarating dahil sa pagdating umano ng Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa ginawang paglulunsad ng “Bagong Pilipinas Serbis­yo Caravan” sa bayan ng Nabua sa Camarines Sur.

Ilang linggo bago ang araw ng laban ng dalawa, nagkaroon ng mainitang pa­tutsadahan sa pulitika ang dating magkaalya­dong opisyal hanggang sa unang naghamon ng bok­sing si Villafuerte kay Mabulo na agad namang tinugon at “kinasahan” ng alkalde.

Dito, itinakda ang laban ng dalawa sa JMR Coliseum noong Sabado ng hapon.

Ayon kay Mabulo, sa post nito sa kanyang Facebook page, walang bayad ang lahat ng manonood pero kailangang magbigay ng donasyong gamit sa eskwela para ipamigay nila sa mga nangangaila­ngang estudyante.

Sa ilang posts sa social media ay ipinapakita pang kapwa nag-eensayo ang kongresista at mayor bilang paghahanda sa kanilang umabagan sa ring.

Ayon sa impormasyon, ilang kilalang trainor pa sa boksing ng bansa ang kinuha ng dalawang opis­yal para lang sa kanilang pagsasanay.

Kapansin-pansin din nitong nakaraang mga araw na may mga naka­paskil na plackards ng laban ng dalawa sa mga pangunahing kalye sa lungsod na lalong nagpa-excite sa mga residente para manood.

Gayunman, laking dismaya ng mga manonood sana at ang media na nakaabang upang mag-cover sa laban nang hindi ito mangyari dahil sa hindi pagsipot ng kongresista.

MABULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with