^

Probinsiya

Pamilya ng 5 CAFGU na napatay, patuloy ang pagtanggap ng ayuda

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAGKAWAYAN, Quezon, Philippines — Patuloy na pinagkakalooban ng tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang mga pamilya ng limang miyembro ng CAFGU na napaslang sa ambush at sa itinanim na landmines ng mga teroristang New People’s Army (NPA) noong September 1,2023.

Kamakalawa ay nag-courtesy-call sa tanggapan ni Mayor Carlo T. Eleazar si Department of Labor and Employment (DOLE-Quezon) Director Edwin T. Hernandez.

Ang pagbisita ni Dir. Hernandez ay may kaugnayan sa mga programa ng ahensiya sa Tagkawayan, kasama na ang ipagkakaloob na tulong sa mga pamilya ng limang CAFGU.

Dumating din ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development Region IV-A, para sa pinansiyal na tulong sa mga nabanggit na pamilya.

Ibinalita naman ng kawanihan ng 85th IB, Philippine Army sa pamamagitan ni Capt. Fidel Nobleza kay Mayor Eleazar na mayroon pang ibang ahensya ng pamahalaan ang magkakaloob ng tulong sa mga naulilang pamilya ng limang CAFGU kabilang na ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

CAFGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with