^

Probinsiya

HEALING agenda ibinida sa ‘Ulat sa Lalawigan’ ni Dra. Tan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Sumentro sa kanyang programang HEALING Agenda ang kauna-unahang babaeng gobernador ng lalawigan ng Quezon sa kanyang State of the Province (SOPA) para sa unang isang taon niyang panunungkulan, sa dinagsang Quezon Convention Center sa lungsod na ito, kamakalawa.

Ang HEALING Agenda ni Governor Dra. Helen Tan ay may kahulugang Health, Livelihood, Education, Agriculture, Infrastructure, Nature & Environment/ Tourism at Good Governance.

Ipinagmalaki ni Governor Tan ang mga naging pagbabago at improvement sa Quezon Medical Center (QMC) na dating naging tampulan ng kontrobersya dahil sa mga sari-saring isyu katulad ng pagkakatuklas sa nabubulok na mga hospital waste noong panahon ng ­pandemya at ang masasamang pag-uugali ng ilang mga kawani.

Naipatupad din aniya ang “Konsultasyong Sulit at Tama” o Konsulta Package ng PhilHealth sa lalawigan bilang isa sa limang LGUs kung saan maaaring ma-access ng mamamayan ang mga preventive care services kasama na rito ang pagbibigay ng mga libreng gamot at laboratory tests para sa out-patient consultations.

At bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagtataguyod sa iniakda nitong Universal Health Care (UHC) Act, nilagdaan ng gobernadora ang Me­morandum of Agreement (MOA) kasama ang lahat ng lokal na punong ehekutibo ng lungsod at munisipyo kasama ang Department of Health (DOH) para sa implementasyon ng ­Province-Wide Health System Integration na i­tinuturing na una sa bansa.

Ayon kay Gov. Tan, hindi tumitigil ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagkamit sa pangarap na maunlad na lalawigan ng Quezon at nagungunang destinasyon pang agri-turismo sa buong rehiyon pagsapit ng 2030 sa pamamagitan ng maaasahang serbisyo, mahusay na pamunuan, at makapangyarihang mamamayan.

Sa katunayan nito, malaya at may katiwasayan nang makapaglalagak ng puhunan ang mga ne­gosyante sa lalawigan dahil noong Hunyo 12, 2023 kaalinsabay ng Araw ng Kalayaan ng bansa ay idineklara ng DILG, AFP at PNP na “insurgency free” na ang Quezon province.

Masaya ring iniulat ni Tan na mula sa dating baon sa utang na provincial government ay marami pa rin silang nagawa kasama na rito ang pagbibigay ng College Scholarship Program, pagbuo ng 31 kooperatiba para sa mga magniniyog alinsunod sa Coconut Farmers Industry Development Program; at iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura.

Sa huli ay sinabi niyang “Malayo pa tayo, pero, malayo na tayo.”

HEALING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with