^

Probinsiya

Magsasaka utas sa taga ng ulyaning 81-anyos

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka utas sa taga ng ulyaning 81-anyos
Farmers from Lingayen, Pangasinan take advantage of the fine weather to plant rice seedlings on July 4, 2023.
STAR/Cesar Ramirez

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang magsasaka ang nasawi matapos pagtatagain ng isang 81-anyos na lolong ulyanin sa Purok 5, Divisoria sa lungsod na ito, kamakalawa ng hapaon.

Nakilala ang biktima na si Jerry Estanislao, 51, habang ang suspek ay si Loreto Gadiano, 81, isa ring magsasaka at kapwa residente sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga umano ang biktima sa kanyang duyan nang lapitan ng lolong si Gadiano dakong alas-2:30 ng hapon.

Dito, kinompronta umano ng lolo si Estanislao kaugnay sa kanyang pagkakautang na tinawanan naman ng biktima na naging dahilan para mainis ang suspek.

Nagtamo ng malubhang mga sugat sa katawan ang biktima na nagawa pang magpasaklolo, subalit, binawian din ito ng buhay matapos isugod sa pagamutan. Nadakip naman ang suspek sa isang canal matapos ang isinagawang pagtugis ng mga operatiba ng pulisya.

Lumalabas na wala naman umanong utang ang biktima sa suspek at tila nag-uulyanin na ang suspek dahil sa katandaan.

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with