^

Probinsiya

Kapatid na babae, inutas sa taga ni kuya

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines – Ina­resto ng Apayao policemen ang isang lalaking lasing matapos nitong patayin sa taga ang sariling kapatid na babae nitong Biyernes sa Barangay San Carlos, Sta. Marcela, Apayao Province.

Sa imbestigasyon, ang suspek ay nakikipag-inuman sa kanyang mga kabarkada sa loob ng kanilang bahay at nang makarami na nang nalak­lak na alak ay nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang nakababatang kapatid na babae dahil umano sa problemang pamilya.

Sa kalagitnaan ng mainitang pagtatalo, sumi­gaw umano ang biktima sa salitang Ilocano ng -- “tagbatenak lattan” (sige tagain mo na lang ako) kaya lalong nag-udyok sa lasing na suspek na kumuha ng bolo at pinagtataga ang kapatid.

Ang biktima na nagtamo ng dalawang taga sa ibabang bahagi ng kanyang kaliwang kili-kili ay mabilis na isinugod sa Santa Marcela District Hospital subalit idineklarang patay na.

Ang suspek ay agad na inaresto ng mga pulis habang inihahanda na ang kasong homicide laban dito.

vuukle comment

APAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with