^

Probinsiya

36 katao sa dormitory ng DSWD, nalason sa tulingan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 36 katao ang hinihinalang nalason matapos silang makakain ng bilasang isdang tulingan sa naganap na “food poisoning” sa isang dormitoryo sa Cebu City nitong Biyernes.

Sa nasabing bilang, 28 ang isinugod sa Cebu City Medical Center kabilang ang 26 na menor-de-edad matapos makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka at matinding pananakit ng tiyan makaraang kumain ng tulingan.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD)-7, naganap ang insidente sa Santa Rita Dormitory, ilang minuto matapos mananghalian ang mga biktima pasado alas-12 ng tanghali.

Ang Santa Rita Dormitory ay pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Services (DSWS) ng Cebu City kung saan ang mga menor-de-edad at mga magulang dito ay pawang mga biktima ng pang-aabuso.

Ayon kay Dr. Ester Concha, director ng DSWD Cebu City, sa kabuuan ay 36 ang biktima ng food poisoning subalit stable naman umano ang lagay ng walong iba pa kaya hindi na sila nagpadala sa ospital, subalit upang makasiguro ay isang ambulansya ang naka-standby sa lugar sakaling lumala ang kanilang pakiramdam na suwerte namang hindi na nangyari.

Dagdag pa ni Concha na ang dahilan ng pagkalason ng mga biktima ay matapos na hindi mapansin ng kanilang cook na bilasa na ang nilutong tulingan dahil hindi umano naisarang mabuti ang freezer na pinaglalagyan nito dahil sa puno ito ng laman.

DSWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with