^

Probinsiya

Estudyante na ‘most wanted’ sa rape, timbog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Nagwakas ang limang taong pagtatago ng isang binata na nahaharap sa kasong rape at itinuturing na Number 2 Most Wanted Person (MWP) matapos maaresto kamakalawa ng hapon sa Purok San Lorenzo, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito.

Kinilala ni PLt. Col. Ruben Ballera Jr., Lucena City chief of police ang nadakip na si Ian Austine Javier, 22 , 2nd year college at residente sa nasabing lugar.

Inaresto ang suspek dakong alas-3:15 ng hapon makaraang magpalabas ang Regional Trial Court (RTC) Branch 54 sa pamamagitan ni Presiding Judge Eileen Lim ng warrant of arrest sa kasong 2 counts of rape.

Ayon kay Lt. Col. Ballera, Pebrero 2018 nang isa­gawa ng suspek, na noon ay 17-anyos pa lamang,  ang panghahalay sa biktimang menor-de-edad na babae at pagkatapos ay nagtago na siya sa pag-aakalang hindi magsusumbong ang biktima.

Nakapiit na sa lockup jail ang suspek at walang inirekomendang piyansa sa kanyang pansamantalang kalayaan.

MWP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with