^

Probinsiya

Sasakyan ng abogado sa Davao City pinasabog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasabog ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang sasakyan ng isang abogado habang nakaparada sa harap ng opisina nito sa Ecoland, Davao City, kahapon ng ­umaga.

Basag ang salamin sa likod ng nasabing sasakyan habang ang dalawang gulong nito ay nabutas dahil sa lakas ng impact.

Nadamay din ang isa pang sasakyan na nasa lugar kung saan nabasag din ang dalawang salamin nito.

Ayon kay Davao City Police Office Director Police Colonel Alberto Lupaz, malakas na uri ng pampasabog ang ginamit batay sa isinagawang post-blast investigation ng Explosive Ordnance Division.

Napag-alaman na may mga hawak umanong mabibigat na kaso ang abogado na posibleng may kinalaman sa pangyayari.

Dagdag ni Lupaz na may dalawang indibiduwal ang nakita sa CCTV camera na lumapit at tila may inilagay sa ilalim ng saksakyan bago pa man ito sumabog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad para kilalanin ang dalawang indibiduwal na ikinokonsidera ngayon na persons of interest.

vuukle comment

PAGSABOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with