^

Probinsiya

Babae kinatay, itinapon sa liblib na lugar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng hindi pa nakilalang babae na tadtad ng mga saksak sa katawan ang natagpuan ng mga awtoridad sa liblib na lugar ng Brgy. Lacarayan sa Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 9, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng nasabing babae matapos na walang makitang anumang identification card sa katawan nito.

Ang nasabing babae ay may 12 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan kabilang sa gitnang bahagi ng katawan, kaliwang braso, leeg at tadyang.

Dinala na ang bangkay sa Tigbao Rural Health Unit para ipasailalim sa post mortem examination.

Nabigo rin ang mga opisyal ng Barangay Lokuan, Biswagan na pawang sa kanugnog na bayan ng Lakewood na matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing bangkay.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na itinapon lamang ang bangkay ng babae sa nasabing lugar matapos patayin ng mga suspek upang ilihis ang imbestigasyon sa krimen.

vuukle comment

KINATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with