^

Probinsiya

5-anyos nadulas, hulog sa ilog, tigok!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Family outing nauwi sa trahedya

CAVITE, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang holiday at summer outing ng isang pamilya makaraang bawian ng buhay ang kanilang “munting anghel” nang aksidenteng madulas at bumulusok sa malalim na bahagi ng ilog sa bayan ng Naic, dito sa lalawigan, kamakalawa ng hapon.

Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Carl JM Dualan, residente ng Brgy., Labac, Naic, Cavite.

Sa ulat ng Naic Police, alas-5:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa Malainen Luma River, Naic kung saan nag-outing ang pamilya ng biktima.

Masaya umanong naliligo ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang aksidenteng nadulas ang una at tuluy-tuloy na nahulog sa malalim na bahagi ng ilog.

Agad namang pinagtulungang hanapin ang bata hanggang sa makita at makuha ang katawan nito sa mabatong bahagi ng ilog.

vuukle comment

NAIC POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with