^

Probinsiya

28 Years After: Epekto ng tumagas na Marcopper sa Boac River, ramdam parin ng tao

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
28 Years After: Epekto ng tumagas na Marcopper sa Boac River, ramdam parin ng tao
Kuha ng epekto ng Marcopper Mining Corporation (MMC) incident sa Marinduque
Released/Department of Environment and Natural Resources

ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Dalawampu’t walong taon matapos ang aksidente sa drainage tunnel ng Marcopper Mining Corp. (MMC) sa Marinduque, ramdam parin hanggang ngayon ng mga tao ang epekto ng aksidente sa lugar lalo na sa Boac River.

Sa isang pag-aaral ng Marinduque State College (MSC) at Mapua Institute, sinabi nila na ang mga pinagkukunan ng tubig gayundin ang mga water refiling stations ay apektado ng iba’t ibang heavy metals.

Sa ginanap na enviromental forum kaugnay sa commemoration ng marcopper mine spill noong March 29, sinabi ni Ronnel Nolos ng MSC na kailangan ng regular monitoring upang makita kung may nakikitang pagganda sa lagay ng mga ito.

Sa hiwalay na pag-aaral ni Dean Evangeline B. Mandia, bagama’t nakikitang malinis ang ilog ng Boac at may mga nabubuhay na dito ay hindi pa rin ito ligtas gamitin o kainin ang mga lamang ilog.

Taong 1969 nang magsimula magmina ng tanso ang MMC sa isla ngunit ipinatigil noong 1996 matapos tumagas sa ilog ang 2 milyong tonelada ng nakalalasong kemikal na basura mula sa mina.

Si Eliza Hernandez, residente ng Brgy. Balimbing, Boac, ay isa sa mga naapektuhan ng aksidente. Maliban sa nawalan siya ng trabaho bilang labandera dahil sa maruming tubig sa ilog, nagkaroon rin ito ng karamdaman partikular na ang sakit sa balat.

Ang sakit sa balat ay isa lamang sa posibleng maging epekto ng heavy metals sa tao, ayon kay Mary Asther S. Sadia ng Department of Health. Ayon rin noon sa DOH, marami noong residente ng isla ang may sobra nang taglay na zinc at copper sa katawan matapos ang aksidente. Siyam na residente rito ay nakitaan ng zinc sa kanilang mga dugo na sobra ng 200% sa safe level. Noong 2016, idineklara ng DOH Mimaropa ang health emergency sa Marinduque dahil sa epekto ng Marcopper disaster.

Ipinagutos na noong nakaraang taon ng regional trial court sa Marinduque na bayaran ng MMC ang mga katulad kay Hernandez na naapektuhan ng pagtagas ng marcopper. Nang nakaraan taon ay naipanalo ni Eliza Hernandez at mga kasama nito ang Writ of Kalikasan.

Patuloy naman ang ginagawa ng pamahalaang lokal sa Marinduque para masigurong hindi na mauulit ang mga ganitong aksidente sa kanilang lugar.

Sinabi ni Vice Governor Adeline Angeles na binabalangkas na ang Environmental Cod at Investment Code ng lalawigan na siyang magpapatibay sa paninindigan kontra ng mina ng probinsya. Nagmungkahi rin si Dr. Randy Nobleza ng Island Innovation na maipasok ang RIghts of Nature at pagdedeklara ng Climate Emergency upang makakonekta sa pandaigdigang usapin ang laban ng pagmimina at karapatang pangkalikasan.

Ganun rin ang paninindigan ni Mayor Armi Carrion ng Boac, asawa ni Bong Carrion na siyang Gobernador ng panahong tumagas ang basurang mina. Aniya, kaisa siya sa pagsusulong ng laban para makamit ang hustisya at ang paninindigan ng bayan ng Boac na hindi kailanman papayagan ang pagmimina sa harap ng pananatili ng mga mining applications.

--

Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com

ENVIRONMENT

LARGE SCALE MINING

MARCOPPER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with