^

Probinsiya

Taga Agusan del Sur, wagi ng P12.1 milyon sa lotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang mananaya mula sa Agusan del Sur ang pinalad na magwagi ng P12.1 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 26-43-11-18-05-45 ng MegaLotto 6/45 kaya’t maiuuwi niya ang katumbas nitong jackpot prize na P12,171,239.80.

Mayroon rin namang 18 mananaya na nakapag-uwi ng tig-P32,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades Robles, nabili ng mapalad na mananaya ang kanyang winning ticket sa bayan ng Bayugan.

Upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan ni Robles ang lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong ID at ang kanyang winning ticket.

vuukle comment

MEGA LOTTO

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with