^

Probinsiya

Misis na tumatawid, dedo sa motor Misis na tumatawid, dedo sa motor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang misis ang nasawi makaraang salpukin ng motorsiklo habang tumatawid sa A. Soriano Highway, Brgy. Sahud Ulan, bayan ng Tanza sa lalawigang ito, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Vanessa Pamindalan, residente ng Sahud Ulan Tanza.

Hawak naman ng pulisya ang nakabanggang rider na si Joselito Mayoral, nasa hustong gulang at residente ng Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4 ng madaling araw habang tumatawid ang biktima sa nasabing highway nang biglang salpukin ng humahagibis na Yamaha Nmax motorcycle na may plakang 862UOF ni Mayoral.

Bunsod nito, tumilapon ang biktima at sumadsad pa siya sa kalsada dahilan upang mapuruhan at mapinsala ang kanyang ulo. Naitakbo pa siya sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

SORIANO HIGHWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with