17,000 manok tinamaan ng bird flu sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasa 17-libong manok sa Brgy. Parada sa bayan ng Sta. Maria ang tinamaan ng Avian Flu outbreak, base sa tala ng Provincial Veterinary Office.
Ayon kay Provincial Vet. Voltaire Basinang, kumpirmado na 17,000 layer chicken sa nabanggit na barangay ang tinamaan ng bird flu.
Una nang nakita ang nabangit na sakit ng manok nito lamang Enero 31, 2023.
Bunsod nito’y hinimok ni Dr. Basinang na kailangan kumuha ng veterinary health certificate ang mga may-ari ng farm bago ibiyahe ang kanilang mga kalakal.
Kasunod nito’y ipinagbawal na rin ang pigeon racing sa probinsya upang maiwasan ang pagkalay ng bird flu.
Idinagdag pa ni Dr. Basinang na marami nang mga migratory birds ang dumarayo sa Pilipinas sa panahong malamig ang klima. Matatagpuan ito sa Manila Bay, at sa mga ilang bahagi ng bulacan partikular sa bayan ng Paombong, Bulakan, Malolos at Meycauayan City.
- Latest