^

Probinsiya

95 bahay, 38 iskul nasira ng lindol sa Davao de Oro    

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
95 bahay, 38 iskul nasira ng lindol sa Davao de Oro     
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, nasa 95 na kabahayan ang nasira kabilang ang mga nagkaroon ng bitak habang ang iba pa ay tuluyang gumuho sa malakas na pagyanig ng lupa.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasa 95 bahay at 38 paaralan ang napinsala nang yanigin ng magnitude 6 na lindol ang New Bataan, Davao de Oro, nitong Miyerkules.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, nasa 95 na kabahayan ang nasira kabilang ang mga nagkaroon ng bitak habang ang iba pa ay tuluyang gumuho sa malakas na pagyanig ng lupa.

Sinabi pa sa ulat ng NDRRMC na nasa 134 imprastraktura ang napinsala na tinatayang umaabot sa P18.01 mil­yon.

Iniulat naman ng Department of Education (DepEd), na 38 paaralan ang nasira sa lindol sa Davao de Oro kabilang dito ang Sonlon National High School sa Asuncion, Davao del Norte; Alejal Elementary School sa Carmen, Davao del Norte; Toril Elementary School sa Island Garden City of Samal; at Montevista National High School sa Davao de Oro.

Matatandaang Miyerkules ng gabi nang tumama ang lindol sa Davao de Oro, na ang epicenter ay natunton may 12 kilometro sa northeast ng New Bataan.

Sa tala ng Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs), hanggang alas-2:00 ng hapon ay umaabot na sa 882 ang aftershocks na kanilang naitala.

Sa mga naturang aftershocks, dalawa lamang ang nasa magnitude 1.5 hanggang 3.6.

Nasa 16 katao ang naiulat na nasugatan sa lindol, base na rin sa datos mula sa Office of Civil Defense.

Nasa 340 namang residente ang naapek­tuhan ng lindol habang daang kabahayan din ang nagtamo ng pinsala sa kalamidad samantalang maging ang mga pas­yente sa Davao de Oro ay inilikas na dina­la sa sports complex covered court habang ang iba pa ay sa Davao Regional Medical Center sa lungsod ng Tagum.

vuukle comment

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with