^

Probinsiya

3 parak sangkot sa droga, kinasuhan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
3 parak sangkot sa droga, kinasuhan

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Tatlong pulis ang sinampahan ng kasong criminal at administra­tibo matapos silang maaresto sa magkakasunod na anti-drug operation sa Dasmariñas City, Cavite.

Ang tatlo na kinilalang sina Police Staff Sergeant Tomas Dela Rea Jr., 34; Corporal Christian Arjul Monteverde, 35, at Patrolman Jeru Allen Magsalin Set, kapwa nakatalaga sa Intelligence Unit ng Dasmariñas Police Station ay kinasuhan sa paglabag sa Section sections 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Prosecutor’s office sa ilalim ni Atty. Frela Pacho-Dela Cruz, sa Dasmariñas City Hall of Justice, ayon kay Col. Christopher Olazo, City police director.

Ang tatlong pulis ay nahaharap din sa kasong administratibo at sasailalim sa summary dismissal proceedings para maalis sa serbisyo sa provincial pre-charge evaluation unit ng provincial police office. Sila ay nasibak na sa kanilang puwesto at dinisarmahan ng kanilang mga kabaro.

Ang kanilang kasamahan na si Jorilyn Magnaye Ambrad, 22, isang high value individual ay sinampahan na rin ng kahalintulad na kaso.

Ang operasyon laban sa tatlong pulis at isang kasabwat ay nag-ugat matapos ang ulat na sangkot sila sa illegal drug trade.

Nakuha sa kanilang pag-iingat sa ikinasang operasyon sa Dasmariñas City ang 19 piraso ng plastic sachet ng shabu na nasa 205 gramo at nagkakahalaga ng P1,431,600, mga baril at bala.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with