NHA nagkaloob ng bagong bahay sa 216 pamilyang nasunugan sa Bataan
MANILA, Philippines — Pinagkalooban ng bagong bahay ng National Housing Authority (NHA) ang may 216 pamilya na nasunugan sa lalawigan ng Bataan.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, bukod sa mga nasunugan, nabigyan din ng pabahay ang mga naninirahan sa gilid ng waterways sa Orion, Bataan.
Ang mga ipinamahaging bahay ng NHA na kabibilangan ng anim na three-storey low-rise buildings ay matatagpuan sa 1-Bataan Village Phase 1 project, Brgy. Daan Pare, Orion, Bataan ay may sukat na 27 square meter kada unit.
“Sana po ay maging daan ito ng pagtataguyod ng inyong mga pamilya para sa maayos na kinabukasan ng inyong mga anak. Pagyamanin po ninyo at pahalagahan ang bago ninyong mga tahanan,” pahayag ni Tai.
Ang bagong pabahay ay bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na naglalayong makapagpatayo ng 6 na milyong bahay sa pagtatapos ng termino sa 2028.
Sa hanay ng NHA, target nilang magpatayo ng 1.3 milyong pabahay sa loob ng anim na taon.
- Latest