^

Probinsiya

Higit P10 milyong ecstasy sa parcel nadiskubre!

Nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan - Pilipino Star Ngayon
Higit P10 milyong ecstasy sa parcel nadiskubre!
Sa Barangay Hall ng Burol 1, Dasmariñas isinuko nang nakatanggap ng Parcel na itinago sa pangalang Mariz nasa hustong gulang residente ng Dasmariñas City Cavite.
Rudy Santos

Nakahalo sa canned goods mula Belgium

CAVITE, Philippines — Personal na isinuko ng isang Babeb ang mga parcel na kaniyang tinanggap mula sa bansang Belgium na naglalaman ng may mahigit sa P10 milyong ecstasy na nakalagay sa loob ng mga canned goods kamakalawa ng gabi sa Barangay Burol 1 Dasmariñas Cavite.

Sa Barangay Hall ng Burol 1, Dasmariñas isinuko nang nakatanggap ng Parcel na itinago sa pangalang Mariz nasa hustong gulang residente ng Dasmariñas City Cavite.

Sa salaysay ni Mariz sa pulisya, Enero 20 nang makatangggap siya ng text message mula sa Post Office hinggil sa may dumating umanong parcel para sa kanya at kailangang ma-pickup ng araw ring iyon.

Agad namang nagtungo si Mariz sa Postal Office ng Parañaque at kinuha ang nasabing parcel na nagmula sa isang Marco Williams ng Clos Jean Van Ryn 102, 1200 Wolume-Saint-Lambert Belgium.

Pag-uwi umano nito ay binuksan niya ang nasabing package na naglalaman ng mga canned goods at biscuits. Nang buksan niya ang isa sa mga ito ay dito na bumulaga sa kaniya ang droga na laman nito.

Agad na nag-report si Mariz sa kanilang barangay at dinala niya rito ang nasabing parcel. Itinawag naman ito ng barangay sa Dasmariñas City Police at nang dumating ang mga operatiba kasama ang mga kagawad ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 4A, Provincial Drug Enforcement Unit (DEU) ng Cavite Provincial Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency 4A, PDEG-SOU 4A, ay agad na binuksan ang nasabing mga de lata at dito tumambad sa kanila ang mga lamang ecstasy.

Mahigit sa 6,266 tablets na ecstasy ang nakuha na nagkakahalaga ng P10,652,200. Nakalagay ang mga ito sa 7-canned goods kasama ang isang itim na kahon, isang pack ng golden rolls, isang kahon ng Hollandia crackers at dalawang Tortina biscuits.

Nagsasagawa na ng followup operations ang pulisya at nakipag-coordinate na rin sila sa nasabing Postal Office kung saan bumagsak ang nasabing package.

ECSTASY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with