^

Probinsiya

Ama, 5-anyos anak todas sa ambush!  

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ama, 5-anyos anak todas sa ambush!   
Kapwa duguan habang nakabulagta nang abutan ng mga rumespondeng pulis ang mag-amang biktima na kinilalang sina Jorence Padua Rala, 25-anyos at batang si Lorence Bico Lara; kapwa residente ng Sitio Marian, Brgy. Panique, Aroroy, Masbate.
STAR/ File

AROROY, Masbate, Philippines — Patay ang isang habal-habal driver at ang kanyang 5-anyos na anak matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng provincial road ng Sitio Burabod sa Brgy. Luy-a ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kapwa duguan habang nakabulagta nang abutan ng mga rumespondeng pulis ang mag-amang biktima na kinilalang sina Jorence Padua Rala, 25-anyos at batang si Lorence Bico Lara; kapwa residente ng Sitio Marian, Brgy. Panique, Aroroy, Masbate.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, nagulat na lamang ang mga dumaraang residente nang tumambad ang wala nang buhay na mga biktima.

Pinaniniwalaang posibleng inabangan ng hindi pa matukoy na salarin ang pauwing mag-ama at pinagbabaril sa hindi pa malamang dahilan.

Nakuha sa lugar ang tatlong basyo ng bala ng caliber 40 na baril.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

PADUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with