^

Probinsiya

Rider dedo, mayor na lulan ng truck ligtas sa banggaan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BOMBON, Camarines Sur, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa Bicol Medical Center ang isang rider matapos na sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na Navarra pick-up truck kung saan sakay ang isang alkalde sa kahabaan ng national highway sa Zone-2, Brgy. San Roque ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Nagkalasug-lasog ang katawan at agad na nasawi ang biktimang kinilalang si Jose Olalo Bueza, 51-anyos at residente ng Brgy.Bagacay, Tinambac, Camarines Sur. Sumuko naman ang driver ng kabanggaang pick-up truck na si Isagani Bolaños Buela, 56-anyos, residente ng Brgy.Paolbo, Calabanga.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi galing ng Naga City patungong bayan ng Calabanga ang biktima lulan ng minamanehong Honda Wave motorcycle (9794-EK) nang pagdating sa lugar ay nawalan ng kontrol at napunta sa kabilang linya dahilan para malakas na sumalpok ito sa kasalubong na pick up truck (F3 J256) kung saan sakay noon si Calabanga Mayor Eugene Norman Severo.

Sa lakas nang pagkakabangga, duguang humampas sa kalsada ang katawan ng biktima na agad isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

Ligtas at hindi naman nasugatan ang sakay na alkalde.

vuukle comment

SAN ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with