^

Probinsiya

SITG binuo sa ambush-slay ng lady trader sa Davao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binuo na ng Davao City Police ang Special Investigation Task Group (SITG) upang imbestigahan at resolbahin ang pa­nanambang at pagpatay sa negosyanteng babae na pinagbabaril ng riding-in-tandem sa lungsod noong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Yvonne Chua, 38-an­yos, residente ng Green Meadow Subdivision, Buttercup Street, Tugbok District, Davao City.

Ayon sa imbestigas­yon, kabababa lamang ng biktima sa kaniyang Montero at papasok na sa gate ng kanilang tahanan ng huminto ang isang motorsiklo at pagtapat dito ay pinagbabaril ng riding- in-tandem na mabilis na tumakas sa lugar.

Ang biktima ay agad binawian ng buhay matapos masapol ng mga tama ng bala sa katawan.

“Within two weeks kailangan may ma-file-an tayo ng kaso, as early as possible kasi hindi pwedeng patagalin ito, so within two weeks dapat magkaroon na kami ng linaw kung ano ang path na susundan namin”, pahayag ni Davao City Police Director P/Col. Alberto Lupaz.

Bago ang insidente ay may nakaalitan umano sa trapiko ang biktima kung saan nagalit ang rider ng motorsiklo nang mag-dirty finger pa ito bago umalis sa lugar.

Sinabi ni Lupaz na mayroon na silang Person of Interest (POI) sa kasong ito matapos na makunan ng CCTV footage ang pagbaril sa biktima .

“As of now, mayroon tayong tinitingnan na anggulo at mga motibo, tinitingnan natin dito ay it could be personal grudge dahil businessman siya at  saka personal life niya “, anang opisyal na sinabing tinitingnan din nila ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo ng insidente  matapos tangayin ng mga salarin ang bag ng biktima.

SITG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with