^

Probinsiya

Sanggol nilapa ng 2 baboy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malagim ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol na lalaki matapos lapain ng dalawang baboy nang itapon sa loob ng piggery ng hindi pa nakilalang salarin sa Sitio Bantud, Brgy. Buis, New Washington, Aklan kamakailan, ayon sa pulis­ya nitong Huwebes.

Sa naantalang ulat ng Aklan Police, nangyari ang insidente noong Dis­yembre 25 ng gabi sa kural ng baboy na pag-aari ng matandang lala­king si Francisco Natabio na naninirahan sa nasabing lugar.

Ang bangkay ng ba­gong silang na sanggol na wala nang mga kamay at tadtad ng mga kagat ng baboy ay natagpuan noong umaga ng Dis­yembre 26.

Ayon kay Natabio, magpapakain sana siya ng dalawang alaga niyang baboy nang madiskubre ang insidente.

Nakakabit pa ang umbilical cord ng sanggol nang matagpuan kung saan wala itong damit at putol na ang dalawang kamay na pinaniniwalaang nilapa ng mga baboy.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may narinig na iyak ng sanggol ang matanda sa labas ng kanilang tahanan noong gabi ng Pasko kung saan malakas ang ulan at madilim ang paligid.

Samantalang nakabukas din ang tarangkahan ng matanda patungo sa kural ng baboy kung saan naghihinala ang mga awtoridad na inihagis ang munting anghel sa kulungan ng baboy ng walang pusong salarin.

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with