^

Probinsiya

Higit P81 milyong agricultural products nasabat sa Subic

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Higit P81 milyong agricultural products nasabat sa Subic
Ang mga puslit na agri-products habang isa-isang iniinspeksyon ng mga opisyal at kinatawan ng BOC-POS sa Subic Bay kamakailan.
Jojo Perez

SUBIC BAY, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-POS) ang 44 containers ng misdeclared agricultural products na nagkakahalaga ng mahigit P81 milyon na nagmula sa bansang China at dumating sa bansa noong Disyembre 5, 9, at 10 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa BOC-POS, kaagad na nag-isyu ng Alert Orders at Pre-lodgment Orders laban sa 24 containers na naka-consigned sa Asterzenmed Inc. at 20 containers na naka-consigned naman sa Victory JM Enterprise OPC.

Ayon sa ulat, limang containers na naka-consign sa Asterzenmed Inc. ang nadiskubreng nag­lalaman ng frozen items katulad ng shabu-shabu balls, mackerel, boneless buffalo meat at boneless beef anglo.

Habang apat na containers na idineklarang mga tinapay ang naka- consign sa Victory JM na naglalaman din ng sariwang sibuyas na aabot sa kabuuang P81,710,550 halaga.

Nagpapatuloy pa ang eksaminasyon sa natitirang 35 containers na kung saan ay posibleng maisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ang naturang mga shipment dahil sa paglabag sa Customs laws, rules, and regulations.

Ayon naman kay Port of Subic District Collector Maritess Martin, maaaring maharap ang mga taong nasa likod ng mga nasabing shipment sa kasong paglabag sa Department of Agriculture Administrative Order No. 18 series of 2000 at DA Circular No. 4 Series of 2016 na may kaugna­yan sa Section 1113(f) ng Republic Act No. 10863 (CMTA) at Department of Health-FDA Administrative Order No. 2020-0017, DA Administrative Order No. 9 Series of 2010, at Section 117 na may kaugnayan sa Section 1113(f) ng CMTA.

BOC

POS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with